Add parallel Print Page Options

10 Sapagkat umasa si Abraham ng isang lungsod na may matatag na pundasyon at ang Diyos mismo ang nagplano at nagtayo.

11 Dahil(A) din sa pananampalataya, si Abraham ay nagkaroon ng kakayahang maging ama, kahit na siya'y matanda na at kahit si Sara ay hindi na maaaring magkaanak pa. Nanalig siyang tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako.[a] 12 Kaya't(B) sa isang taong maituturing na halos patay na ay nagmula ang isang lahi na naging sindami ng bituin sa langit at ng di mabilang na buhangin sa dalampasigan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hebreo 11:11 Dahil din sa pananampalataya…pangako: Sa ibang matatandang manuskrito'y Dahil din sa pananampalataya sa Diyos, si Sara, kahit matanda na, ay niloob ng Diyos na magkaanak sapagkat nanalig siya na tapat ang nangako .