Add parallel Print Page Options

20 Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, binasbasan ni Isaac sina Jacob at Esau tungkol sa mga bagay na magaganap. 21 Sa (B) pamamagitan ng pananampalataya, nang si Jacob ay mamamatay na, isa-isa niyang binasbasan ang mga anak ni Jose, at sumamba sa Diyos habang nakahawak sa kanyang tungkod. 22 Sa (C) pamamagitan ng pananampalataya, nang malapit nang mamatay si Jose, binanggit niya ang tungkol sa paglikas ng mga Israelita mula sa Ehipto, at nagbiling dalhin nila ang kanyang mga buto.

Read full chapter