Add parallel Print Page Options

23 Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, itinago si Moises ng kanyang mga magulang sa loob ng tatlong buwan matapos siyang ipanganak, sapagkat nakita nilang siya ay magandang bata. Hindi sila natakot sa utos ng hari. 24 Sa (B) pamamagitan ng pananampalataya, nang si Moises ay nasa hustong gulang na, tumanggi siya na kilalaning apo ng Faraon.[a] 25 Sa halip, pinili pa niyang makibahagi sa kaapihang dinaranas ng bayan ng Diyos, kaysa magtamasa ng panandaliang ligaya na dulot ng kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hebreo 11:24 apo ng Faraon: Sa Griyego, anak ng anak na babae ng Faraon.