Add parallel Print Page Options

35 Dahil(A) sa pananampalataya, ibinalik sa ilang mga babae ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay.

May mga tumangging sila'y palayain, sapagkat pinili nila ang mamatay sa pahirap upang sila'y muling buhayin at magtamo ng mas mabuting buhay. 36 Mayroon(B) namang hinamak at hinagupit, at mayroon ding ikinadena at ibinilanggo. 37 Ang(C) iba naman ay pinagbabato, nilagari sa dalawa, [tinukso],[a] at pinatay sa tabak. Ang iba'y nagdamit ng balat ng tupa at kambing, ang iba'y namulubi, inapi, at pinagmalupitan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 37 tinukso: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang salitang ito.