Mga Hebreo 11:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 At kung walang pananampalataya, hindi maaaring malugod ang Diyos sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay-gantimpala sa mga nagnanais maglingkod sa kanya. 7 Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa niya nakikita, kaya't siya'y gumawa ng isang daong para sa kaligtasan ng kanyang sambahayan. Sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanlibutan, at siya'y naging tagapagmana ng pagiging matuwid na bunga ng pananampalataya.
8 Sa (B) pamamagitan ng pananampalataya, sumunod si Abraham nang tawagin siya ng Diyos na pumunta sa isang lugar na kanyang tatanggapin bilang pamana. Sumunod nga siya, bagama't hindi niya nalalaman ang lugar na kanyang pupuntahan.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.