Mga Hebreo 11:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Sa pananampalataya si Noe, (A)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (B)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (C)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (D)katuwiran na ayon sa pananampalataya.
8 Sa pananampalataya si (E)Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon.
9 Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, (F)at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978