Add parallel Print Page Options

Hindi pa humahantong sa pagdanak ng dugo ang pakikipaglaban ninyo sa kasalanan. Nalimutan(A) na ba ninyo ang panawagan ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya, mga salitang nagpapalakas ng loob?

“Anak ko, huwag mong baliwalain ang pagtutuwid ng Panginoon,
    at huwag kang panghihinaan ng loob kapag ikaw ay dinidisiplina niya.
Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,
    at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

Read full chapter