Add parallel Print Page Options

Alalahanin ninyo (A)ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.

(B)Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: (C)sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.

Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; (D)mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay (E)hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.

Read full chapter