Add parallel Print Page Options

Huwag kayong padala sa sari-sari at kakaibang mga turo. Mabuti na ang ating mga kalooban ay patatagin ng kagandahang-loob ng Diyos, at hindi ng mga tuntunin tungkol sa mga pagkain. Wala namang pakinabang dito ang mga sumusunod sa mga tuntuning ito. 10 Tayo ay may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa tabernakulo ay walang karapatang kumain doon. 11 Sapagkat (A) dinadala ng Kataas-taasang Pari sa Dakong Kabanal-banalan ang dugo ng mga hayop bilang alay dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo.

Read full chapter