Font Size
Mga Hebreo 4:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 4:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 Walang nilalang na makapagtatago sa harapan ng Diyos na ating pagsusulitan. Sa mga mata niya ang lahat ng bagay ay hubad at hayag.
Si Jesus ang Dakilang Kataas-taasang Pari
14 Kaya nga, dahil mayroon tayong isang Dakilang Kataas-taasang Pari na pumasok na sa kalangitan, at iyon ay si Jesus na Anak ng Diyos, matatag nating panghawakan ang ating ipinahahayag. 15 Sapagkat mayroon tayong Kataas-taasang Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan. Tulad natin ay tinukso rin siya sa lahat ng mga paraan, gayunma'y hindi siya nagkasala.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.