Add parallel Print Page Options

Sapagkat tulad ng naranasan natin ay dumating din sa kanila ang Magandang Balita; ngunit ang salitang narinig nila'y hindi nila pinakinabangan, sapagkat hindi nila sinamahan ng pananampalataya ang kanilang pakikinig. Tayong sumampalataya ay pumapasok sa kapahingahang iyon, gaya ng sinabi ng Diyos,

“Sa aking galit ay isinumpa ko,
hindi sila papasok sa kapahingahang ibibigay ko.”

Sinabi ito ng Diyos kahit na natapos na ang mga gawa niya mula nang itatag ang sanlibutan. Sapagkat (A) ganito ang sinabi tungkol sa ikapitong araw sa isang bahagi ng Kasulatan, “At sa ikapitong araw ay nagpahinga ang Diyos sa lahat ng kanyang mga gawa.”

Read full chapter