Add parallel Print Page Options

Kaya't dahil nananatili pang bukás para sa ilan ang makapasok doon, at dahil sa pagsuway ay hindi nakapasok ang mga naunang pinangaralan ng Magandang Balita, muling (A) nagtakda ang Diyos ng isang araw, “Sa araw na ito;” ayon nga sa mga salitang nabanggit, sinabi sa pamamagitan ni David paglipas ng ilang panahon,

“Sa araw na ito, kung marinig ninyo ang kanyang tinig,
huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.”

Sapagkat (B) kung ang mga Israelita ay nabigyan ni Josue ng kapahingahan, hindi na sana nagsalita pa ang Diyos paglipas ng ilang panahon tungkol sa isa pang araw ng kapahingahan.

Read full chapter