Font Size
Mga Hebreo 5:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 5:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Babala Laban sa Pagtalikod sa Pananampalataya
11 Marami pa kaming masasabi tungkol dito ngunit mahirap ipaliwanag dahil mabagal kayong umunawa.[a] 12 Katunayan, (A) sa panahong ito'y dapat tagapagturo na sana kayo; subalit kailangan pa rin ninyong turuan ng mga panimulang aralin ukol sa Salita ng Diyos. Gatas pa rin ang kailangan ninyo, at hindi solidong pagkain. 13 Sapagkat sinumang umaasa pa sa gatas ay hindi pa sanay sa salita ng katuwiran, dahil sanggol pa lamang.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hebreo 5:11 Sa Griyego, mapurol sa pakikinig.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.