Font Size
Mga Hebreo 6:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 6:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Kaya't tayo'y magpatuloy tungo sa pagiging sakdal at huwag manatili lamang sa mga panimulang aralin tungkol kay Cristo. Huwag nang muling ilagay ang saligan tungkol sa pagtalikod mula sa mga patay na gawa at tungkol sa pananampalataya sa Diyos, 2 o kaya’y aralin tungkol sa mga bautismo,[a] pagpapatong ng mga kamay, muling pagkabuhay ng mga patay, at walang hanggang kaparusahan. 3 At gagawin natin ito, kung ipahihintulot ng Diyos.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hebreo 6:2 o paghuhugas.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.