Font Size
Mga Hebreo 7:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hebreo 7:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Hindi maipagkakaila na ang nagbibigay ng basbas ay mas dakila kaysa kanyang binabasbasan. 8 Ang mga Levita, na tumatanggap ng ikasampung bahagi ay may kamatayan, ngunit buháy si Melquisedec ayon sa kasulatan. 9 Kaya't masasabi na rin na maging si Levi na tumatanggap ng ikasampung bahagi, ay nagbigay rin ng ikasampung bahagi sa pamamagitan ni Abraham.
Read full chapter