Add parallel Print Page Options

Ang Tagapamagitan ng mas Mabuting Tipan

Ito (A) ang buod ng aming sinasabi: Tayo ay mayroong gayong Kataas-taasang Pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kamahalan sa kalangitan. Bilang pari, siya'y tagapaglingkod sa Dakong Banal, sa tunay na tabernakulong itinayo ng Panginoon at hindi ng tao. Dahil itinalaga ang bawat Kataas-taasang Pari upang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay, kailangan din na ang ating Kataas-taasang Pari ay magkaroon ng ihahandog.

Read full chapter