Font Size
Mga Hebreo 8:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 8:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 Sapagkat kung walang kakulangan ang unang tipan na iyon, hindi na sana nangailangan pang humanap ng ikalawa. 8 Nakita (A) ng Diyos ang kakulangan sa kanila, kaya't sinabi niya,
“Tiyak ang pagdating ng mga araw, sabi ng Panginoon,
na makikipagtipan ako ng panibago sa sambahayan ni Israel
at sa sambahayan ni Juda,
9 isang tipang hindi katulad ng aking ginawa sa kanilang mga ninuno,
nang araw na akayin ko sila palabas sa lupain ng Ehipto;
sapagkat sila'y hindi nanatiling tapat sa aking tipan,
kaya't ako'y hindi na nagmalasakit sa kanila, sabi ng Panginoon.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.