Add parallel Print Page Options

Naroon sa (A) ibabaw ng kaban ang mga maluwalhating kerubin. Ang mga pakpak nila ay lumililim sa luklukan ng habag. Hindi na natin mapag-uusapan ang mga ito ng isa-isa. Pagkatapos (B) maihanda ang lahat tulad nito, ang mga pari ay patuloy na pumapasok sa unang silid upang gampanan ang kanilang banal na tungkulin. Ngunit (C) ang Kataas-taasang Pari lamang ang pumapasok sa ikalawang silid, at ito'y minsan lamang sa isang taon. Hindi niya kinaliligtaang magdala ng dugo bilang handog para sa kanyang kasalanan at sa mga kasalanang di-sinasadyang nagawa ng taong-bayan.

Read full chapter