Add parallel Print Page Options

Pagkatapos (A) maihanda ang lahat tulad nito, ang mga pari ay patuloy na pumapasok sa unang silid upang gampanan ang kanilang banal na tungkulin. Ngunit (B) ang Kataas-taasang Pari lamang ang pumapasok sa ikalawang silid, at ito'y minsan lamang sa isang taon. Hindi niya kinaliligtaang magdala ng dugo bilang handog para sa kanyang kasalanan at sa mga kasalanang di-sinasadyang nagawa ng taong-bayan. Sa pamamagitan nito, itinuturo ng Banal na Espiritu na ang daan patungo sa Dakong Kabanal-banalan ay hindi pa naihahayag, habang nakatayo pa ang unang tabernakulo.

Read full chapter