Font Size
Mga Hukom 1:13-15
Magandang Balita Biblia
Mga Hukom 1:13-15
Magandang Balita Biblia
13 Si Otniel na anak ni Kenaz at pamangkin ni Caleb ang nakasakop sa lunsod, kaya siya ang napangasawa ni Acsa. 14 Nang sila'y ikasal na, inutusan ni Otniel si Acsa[a] na humingi ng bukirin sa kanyang amang si Caleb. Kaya, nagpunta si Acsa kay Caleb. Pagdating doon, tinanong naman siya agad nito kung ano ang kailangan niya. 15 “Bigyan mo po sana ako ng lugar na may tubig. Ang lupang ibinigay mo sa akin ay walang mapagkukunan ng tubig,” sabi ni Acsa. At ibinigay sa kanya ni Caleb ang mga balon sa gawing itaas at ibaba.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 1:14 inutusan ni Otniel si Acsa: Sa ibang manuskrito'y inutusan ni Acsa si Otniel .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.