Add parallel Print Page Options

18 Sinakop rin naman ng Juda ang (A)Gaza pati ng hangganan niyaon at ang (B)Ascalon pati ng hangganan niyaon, at ang (C)Ecron pati ng hangganan niyaon.

19 At ang Panginoon ay sumasa Juda; at kaniyang pinalayas ang mga taga lupaing maburol; sapagka't hindi niya mapalayas ang mga nananahan sa libis, dahil sa sila'y may mga karong bakal.

20 (D)At kanilang ibinigay ang Hebron kay Caleb, gaya ng sinalita ni Moises: at kaniyang pinalayas doon ang tatlong anak ni Anac.

Read full chapter