Add parallel Print Page Options

33 At sila'y sinaktan niya ng di kawasang pagpatay mula sa Aroer hanggang sa (A)Minnith, na may dalawang pung bayan, at hanggang sa Abelkeramim. Sa gayo'y sumuko ang mga anak ni Ammon sa mga anak ni Israel.

34 (B)At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang (C)anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng (D)pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man.

35 At nangyari, pagkakita niya sa kaniya, na kaniyang (E)hinapak ang kaniyang damit, at sinabi, Sa aba ko, aking anak! pinapakumbaba mo akong lubos, at ikaw ay isa sa mga bumabagabag sa akin: sapagka't aking ibinuka ang aking bibig sa Panginoon, at (F)hindi na ako makapanumbalik.

Read full chapter