Mga Hukom 11:34-36
Ang Biblia (1978)
34 (A)At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang (B)anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng (C)pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man.
35 At nangyari, pagkakita niya sa kaniya, na kaniyang (D)hinapak ang kaniyang damit, at sinabi, Sa aba ko, aking anak! pinapakumbaba mo akong lubos, at ikaw ay isa sa mga bumabagabag sa akin: sapagka't aking ibinuka ang aking bibig sa Panginoon, at (E)hindi na ako makapanumbalik.
36 At sinabi niya sa kaniya, Ama ko, iyong ibinuka ang iyong bibig sa Panginoon; gawin mo sa akin ang ayon sa ipinangusap ng iyong bibig; yamang ipinanghiganti ka ng Panginoon sa iyong mga kaaway, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Ammon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978