Add parallel Print Page Options

Si Jefta ay anim na taóng naging hukom at pinuno ng Israel. Nang siya'y mamatay, inilibing siya sa kanyang sariling bayan sa Gilead.[a]

Sina Ibzan, Elon at Abdon

Nang mamatay si Jefta, si Ibzan na taga-Bethlehem naman ang naging hukom at pinuno ng Israel. Animnapu ang kanyang anak: tatlumpung lalaki at tatlumpung babae. Ang pinili niyang maging asawa ng kanyang mga anak ay pawang di kabilang sa kanilang angkan. Pitong taon siyang naging hukom at pinuno ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7 kanyang…sa Gilead: Sa ibang manuskrito'y sa mga bayan ng Gilead .