Add parallel Print Page Options

Si Samson ay ipinanganak.

21 Nguni't hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa. (A)Nang magkagayo'y naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.

22 At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, (B)Walang pagsalang tayo'y mamamatay, sapagka't ating nakita ang Dios.

23 Nguni't sinabi ng asawa niya sa kaniya, Kung nalulugod ang Panginoon na patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang (C)handog na sinunog at ang handog na harina sa ating kamay, ni ipinakita man sa atin ang lahat ng mga bagay na ito ni nasaysay man sa panahong ito, ang mga bagay na gaya nito.

Read full chapter