Font Size
Mga Hukom 13:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 13:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Ngunit ang sagot ng kanyang asawa, “Kung papatayin tayo ni Yahweh, hindi sana niya tinanggap ang ating handog. Hindi rin sana niya pinahintulutang masaksihan natin ang lahat ng ito, ni sabihin ang mga narinig natin.”
24 Dumating ang araw at nanganak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson. Lumaki ang batang patuloy na pinagpapala ni Yahweh. 25 At nagsimulang udyukan ng Espiritu[a] ni Yahweh si Samson at siya'y pinakilos nito sa kampo ng Dan na nasa pagitan ng Zora at ng Estaol.
Read full chapterFootnotes
- 25 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .