Add parallel Print Page Options

12 At sinabi ni Samson sa kanila, (A)Pagbubugtungan ko kayo: kung maisaysay ninyo sa akin sa loob ng (B)pitong araw na kasayahan, at inyong maturingan, ay bibigyan ko nga kayo ng tatlong pung (C)kasuutang lino at tatlong pung bihisan:

13 Nguni't kung hindi ninyo maisaysay sa akin, ay bibigyan nga ninyo ako ng tatlong pung kasuutang lino at ng tatlong pung bihisan. At kanilang sinabi sa kaniya, Ipagbadya mo ang iyong bugtong, upang aming marinig.

14 At sinabi niya sa kanila,

Sa mangangain ay lumabas ang pagkain,
At sa malakas ay lumabas ang katamisan.

At hindi nila maisaysay sa tatlong araw.

Read full chapter