Font Size
Mga Hukom 14:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 14:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Naisipan ni Samson na sila'y bigyan ng palaisipan. Ang sabi niya, “Mayroon akong bugtong. Kapag nahulaan ninyo bago matapos ang pitong araw na handaan, bibigyan ko kayo ng tatlumpung piraso ng pinong lino at tatlumpung magagarang damit. 13 Ngunit kung hindi ninyo ito mahulaan, ako naman ang bibigyan ninyo ng tatlumpung pinong lino at tatlumpung magagarang damit.”
Sumagot sila, “Payag kami.”
14 Sinabi ni Samson,
“Mula sa kumakain ay lumabas ang pagkain;
at mula sa malakas, matamis ay lumabas.”
Tatlong araw na ang nakararaa'y hindi pa nila ito mahulaan.
Read full chapter