Add parallel Print Page Options

14 At sinabi niya sa kanila,

Sa mangangain ay lumabas ang pagkain,
At sa malakas ay lumabas ang katamisan.

At hindi nila maisaysay sa tatlong araw.

15 At nangyari, nang ikapitong araw, na kanilang sinabi sa asawa ni Samson, (A)Dayain mo ang iyong asawa, upang maisaysay niya sa amin ang bugtong, (B)baka ikaw ay sunugin namin at ang sangbahayan ng iyong ama: inanyayahan ba ninyo kami upang papaghirapin? di ba gayon?

16 At umiyak ang asawa ni Samson sa harap niya, at nagsabi, (C)Kinapopootan mo lamang ako, at hindi mo ako iniibig: ikaw ay nagbugtong ng isang bugtong sa mga anak ng aking bayan, at hindi mo isinaysay sa akin. At sinabi niya sa kaniya, Narito, hindi ko isinaysay sa aking ama, o sa aking ina man, at akin bang sasaysayin sa iyo?

Read full chapter