Add parallel Print Page Options

14 Sinabi ni Samson,

“Mula sa kumakain ay lumabas ang pagkain;
at mula sa malakas, matamis ay lumabas.”

Tatlong araw na ang nakararaa'y hindi pa nila ito mahulaan.

15 Nang ikaapat na araw,[a] sinabi nila sa asawa ni Samson, “Suyuin mo ang iyong asawa para malaman namin ang sagot sa bugtong niya. Kung hindi, susunugin ka namin at ang iyong pamilya. Inanyayahan ba ninyo kami para mamulubi?”

16 Kaya, lumapit ang babae kay Samson at lumuluhang sinabi, “Hindi mo ako mahal. Nagpapahula ka ng bugtong sa aking mga kaibigan ngunit hindi mo sinasabi sa akin ang sagot.”

Sumagot si Samson, “Kung sa aking mga magulang ay hindi ko ito ipinaalam, sa iyo pa?”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hukom 14:15 ikaapat na araw: Sa ibang manuskrito'y ikapitong araw .