Mga Hukom 14:17-19
Ang Biblia (1978)
17 At umiyak siya sa harap niya na pitong araw, habang hindi natapos ang kanilang kasayahan: at nangyari nang ikapitong araw, na isinaysay niya sa kaniya, sapagka't (A)pinilit niya siya: at isinaysay niya ang bugtong sa mga anak ng kaniyang bayan.
18 At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Samson nang ikapitong araw bago lumubog ang araw. Alin kaya ang lalong matamis kay sa pulot? at ano pa kaya ang lalong malakas kay sa leon? At sinabi niya sa kanila.
Kung hindi kayo nag-araro ng aking dumalaga,
Hindi sana ninyo naturingan ang aking bugtong.
19 (B)At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at siya'y lumusong sa (C)Ascalon, at pumatay ng tatlong pung lalake sa kanila, at kinuha ang samsam sa kanila, at ibinigay ang mga bihisan sa mga nakaturing ng bugtong at ang kaniyang galit ay nagalab, at siya'y umahon sa bahay ng kaniyang ama.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978