Font Size
Mga Hukom 15:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 15:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Ipinagtanong ng mga Filisteo kung sino ang may kagagawan niyon, at nalaman nilang si Samson, sapagkat ibinigay ng biyenan niyang taga-Timna ang kanyang asawa sa kasamahan ni Samson. Kaya't pinuntahan nila ang babae at sinunog siya pati ang ama nito.[a] 7 Sinabi ni Samson sa mga Filisteo, “Dahil sa ginawa ninyong ito sa akin, hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa inyo.” 8 Sila'y sinalakay niya at marami ang kanyang napatay. Pagkatapos, umalis siya at tumira muna sa yungib ng Etam.
Read full chapterFootnotes
- 6 siya pati ang ama nito: Sa ibang manuskrito'y siya at ang kanyang sambahayan .