Add parallel Print Page Options

Si Samson ay inalipusta at nakapaghiganti sa kaniyang kamatayan.

23 At nagpipisan ang mga pangulo ng mga Filisteo upang maghandog ng isang dakilang hain kay (A)Dagon na kanilang dios, at mangagalak: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios si Samson na ating kaaway sa ating kamay.

24 (B)At nang makita siya ng bayan, ay kanilang pinuri ang kanilang dios: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios sa ating kamay ang ating kaaway, at ang mangwawasak sa ating lupain, na pumatay sa marami sa atin.

25 At nangyari, nang (C)masayahan ang kanilang puso, na kanilang sinabi, Tawagin si Samson, upang siya'y ating mapaglaruan. At tinawag nga si Samson mula sa bilangguan; at siya'y pinaglaruan nila. At kanilang inilagay sa pagitan ng mga haligi:

Read full chapter