Font Size
Mga Hukom 18:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 18:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Kaya't pumili sila ng limang pangunahing kalalakihan sa kanilang lipi, mula sa Zora at Estaol at pinahanap ng matitirhan nilang lahat. Ang limang inutusan ay nagpunta sa lugar ni Micas at sa bahay nito tumuloy. 3 Samantalang naroon sila, nakilala nilang Levita ang kasama ni Micas dahil sa punto ng salita nito. Kaya, tinanong nila ito, “Anong ginagawa mo rito? Sino ang nagdala sa iyo rito?”
4 “May usapan kami ni Micas at binabayaran niya ako bilang pari,” sagot niya.
Read full chapter