Font Size
Mga Hukom 19:10-12
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 19:10-12
Ang Biblia, 2001
10 Ngunit ayaw ng lalaki na magpalipas ng gabi, kundi siya'y tumindig at umalis at nakarating sa tapat ng Jebus (na siyang Jerusalem). May dala siyang dalawang magkatuwang na asno at ang kanyang asawang-lingkod ay kasama niya.
11 Nang sila'y nasa tabi na ng Jebus, ang araw ay lumulubog at sinabi ng tauhan sa kanyang panginoon, “Dito na tayo sa bayan ng mga Jebuseo, at magpalipas ng gabi rito.”
12 Sinabi ng kanyang panginoon sa kanya, “Hindi tayo pupunta sa bayan ng mga dayuhan, na hindi kabilang sa mga anak ni Israel; kundi magpapatuloy tayo hanggang sa Gibea.”
Read full chapter