Add parallel Print Page Options

16 At, narito, may umuwing isang matandang lalake na galing sa kaniyang paggawa sa bukid sa paglubog ng araw; ang lalake nga'y taga lupaing maburol ng Ephraim, at nakikipamayan sa Gabaa; nguni't ang mga tao sa dakong yaon ay mga (A)Benjamita.

17 At itiningin niya ang kaniyang mga mata, at nakita niya ang naglalakbay sa lansangan ng bayan; at sinabi ng matandang lalake, Saan ka paroroon? at saan ka nanggaling?

18 At sinabi niya sa kaniya, Kami ay nagdadaang mula sa Beth-lehem-juda na patungo sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim; tagaroon ako at ako'y naparon sa Beth-lehem-juda: at ako'y pasasabahay[a] ng Panginoon; at walang taong magpatuloy sa akin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Hukom 19:18 Huk. 18:31.