Font Size
Mga Hukom 19:16-18
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 19:16-18
Ang Biblia, 2001
16 Kinagabihan, may dumating na isang matandang lalaki na galing sa kanyang paggawa sa bukid. Ang lalaki ay taga-lupaing maburol ng Efraim at naninirahan sa Gibea; ang mga tao sa dakong iyon ay mga Benjaminita.
17 Nang tumingin ang matandang lalaki at nakita niya ang manlalakbay sa liwasan ng lunsod ay itinanong niya, “Saan ka pupunta? At saan ka nanggaling?”
18 At sinabi niya sa kanya, “Kami ay nagdaraan mula sa Bethlehem sa Juda na patungo sa malayong dako ng lupaing maburol ng Efraim na aking pinanggalingan. Ako'y galing sa Bethlehem sa Juda at ako'y patungo sa bahay ng Panginoon,[a] at walang taong magpatuloy sa akin.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 19:18 Sa (LXX) ay sa aking tahanan .