Font Size
Mga Hukom 19:18-20
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 19:18-20
Ang Biblia, 2001
18 At sinabi niya sa kanya, “Kami ay nagdaraan mula sa Bethlehem sa Juda na patungo sa malayong dako ng lupaing maburol ng Efraim na aking pinanggalingan. Ako'y galing sa Bethlehem sa Juda at ako'y patungo sa bahay ng Panginoon,[a] at walang taong magpatuloy sa akin.
19 Kami ay may dayami at damo para sa aming mga asno at may tinapay at alak naman para sa akin, sa lingkod na babae, at sa kabataang kasama namin. Wala na kaming kailangan pa.”
20 At sinabi ng matandang lalaki, “Kapayapaan nawa ang sumaiyo; ipaubaya mo sa akin ang lahat ng iyong mga pangangailangan; huwag ka lamang magpalipas ng gabi sa liwasan.”
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 19:18 Sa (LXX) ay sa aking tahanan .