Mga Hukom 19:21-23
Ang Biblia (1978)
21 (A)Sa gayo'y kaniyang ipinasok sa kaniyang bahay, at binigyan ng pagkain ang mga asno: at sila'y naghugas ng kanilang mga paa, at nagkainan at naginuman.
Ang kahalayhalay na gawa sa Gabaa.
22 Nang nangatutuwa na ang kanilang mga puso, narito, ang mga (B)lalake sa bayan, na ilang (C)hamak na tao, ay kinubkob ang bahay sa palibot, na hinahampas ang pintuan; at sila'y nagsalita sa may-ari ng bahay, sa matanda, na sinasabi, (D)Ilabas mo ang lalake na pumasok sa iyong bahay upang makilala namin siya.
23 At lumabas sa kanila ang (E)lalake, ang may-ari ng bahay, at sinabi sa kanila, Huwag, mga kapatid ko, isinasamo ko sa inyong huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan; yamang ang lalaking ito'y pumasok sa aking bahay, ay (F)huwag ninyong gawin ang kaululang ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978