Mga Hukom 19:22-24
Ang Biblia (1978)
Ang kahalayhalay na gawa sa Gabaa.
22 Nang nangatutuwa na ang kanilang mga puso, narito, ang mga (A)lalake sa bayan, na ilang (B)hamak na tao, ay kinubkob ang bahay sa palibot, na hinahampas ang pintuan; at sila'y nagsalita sa may-ari ng bahay, sa matanda, na sinasabi, (C)Ilabas mo ang lalake na pumasok sa iyong bahay upang makilala namin siya.
23 At lumabas sa kanila ang (D)lalake, ang may-ari ng bahay, at sinabi sa kanila, Huwag, mga kapatid ko, isinasamo ko sa inyong huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan; yamang ang lalaking ito'y pumasok sa aking bahay, ay (E)huwag ninyong gawin ang kaululang ito.
24 (F)Narito, nandito ang aking anak na dalaga, at ang kaniyang babae; akin silang ilalabas ngayon, at (G)pangayupapain ninyo sila, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa kanila: nguni't sa lalaking ito ay huwag kayong gumawa ng anomang masama.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978