Font Size
Mga Hukom 19:24-26
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 19:24-26
Ang Biblia, 2001
24 Narito ang aking anak na dalaga, at ang asawang-lingkod ng lalaki.[a] Ilalabas ko sila ngayon; halayin ninyo, at gawin ninyo sa kanila ang gusto ninyo. Ngunit sa lalaking ito ay huwag kayong gumawa ng anumang masama.”
25 Ngunit hindi siya pinakinggan ng mga lalaki. Sa gayo'y hinawakan ng lalaki ang kanyang asawang-lingkod at inilabas sa kanila. Kanilang sinipingan[b] siya at hinalay buong gabi hanggang sa kinaumagahan; at nang magbukang-liwayway ay kanilang pinaalis siya.
26 Nang mag-uumaga na, dumating ang babae, at nabuwal sa pintuan ng bahay ng lalaki, na kinaroroonan ng kanyang panginoon, hanggang sa magliwanag.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 19:24 Sa Hebreo ay niya .
- Mga Hukom 19:25 Sa Hebreo ay kinilala .