Font Size
Mga Hukom 19:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 19:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
27 Nang buksan ng Levita ang pinto upang magpatuloy sa kanyang paglalakbay, nakita niya roon ang kanyang asawang nakadapa at ang mga kamay ay nakahawak pa sa pintuan. 28 Sinabi niya, “Bangon na at uuwi na tayo.” Ngunit hindi sumasagot ang babae, kaya isinakay niya ito sa kanyang asno at nagpatuloy ng paglalakbay. 29 Pagdating(A) sa kanyang bahay, kumuha siya ng kutsilyo at pinagputul-putol niya sa labindalawang piraso ang bangkay ng asawa at ipinadala sa buong Israel.
Read full chapter