Font Size
Mga Hukom 19:4-6
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 19:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Pinigil siya ng kanyang biyenan, ng ama ng asawang-lingkod; at siya'y nanatiling kasama niya ng tatlong araw. Sa gayon sila'y nagkainan at nag-inuman, at nanatili roon.
5 Kinaumagahan nang ikaapat na araw, sila'y bumangong maaga, at siya'y naghanda upang humayo. Sinabi ng ama ng babae sa kanyang manugang, “Palakasin mo muna ang iyong sarili ng kaunting pagkain, at pagkatapos ay saka kayo lumakad.”
6 Sa gayo'y naupo silang dalawa, at kumain at uminom na magkasama, at sinabi ng ama ng babae sa lalaki, “Bakit hindi ka muna magpalipas dito ng buong gabi at magsaya?”
Read full chapter