Add parallel Print Page Options

12 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa (A)ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit.

13 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at (B)naglingkod kay Baal at kay Astaroth.

14 (C)At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang (D)ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila; at kaniyang (E)ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, na anopa't sila'y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway.

Read full chapter