Font Size
Mga Hukom 2:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 2:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Itinakwil nila si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at kay Astarot. 14 Dahil dito, nagalit si Yahweh sa Israel at sila'y hinayaan niyang matalo ng kaaway at samsaman ng ari-arian. 15 Tuwing makikipagdigma sila, hindi na sila tinutulungan ni Yahweh tulad ng kanyang babala. Kaya't wala silang kapanatagan.
Read full chapter