Mga Hukom 2:16-18
Ang Biblia (1978)
16 At nagbangon ang (A)Panginoon ng mga hukom, na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila.
17 At gayon ma'y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom: sapagka't sila'y (B)sumamba sa ibang mga dios, at kanilang niyukuran ang mga yaon: sila'y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang, na sumunod ng mga utos ng Panginoon; ngunit hindi sila gumawa ng gayon.
18 At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang (C)Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: (D)sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang (E)daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978