Font Size
Mga Hukom 20:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 20:23-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Ngunit bago magsimula ang labanan, dumulog muna sila kay Yahweh sa tabernakulo sa Bethel at maghapong lumuha. Itinanong nila kay Yahweh, “Muli po ba naming lulusubin ang mga kapatid naming Benjaminita?”
“Oo, lusubin ninyo silang muli,” sagot ni Yahweh.
24 Kaya, muli nilang nilusob ang mga Benjaminita. 25 Ngunit muli silang sinalubong ng mga ito sa labas ng Gibea at sa pagkakataong ito, ang mga Israelita'y nalagasan naman ng 18,000.
Read full chapter