Font Size
Mga Hukom 20:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 20:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
27 Muli silang sumangguni kay Yahweh. Noon, ang Kaban ng Tipan ng Diyos ay nasa Bethel 28 sa pag-iingat ni Finehas na anak ni Eleazar at apo ni Aaron. Ang tanong nila, “Lulusubin po ba namin muli ang mga kapatid naming Benjaminita o titigil na kami?”
Sumagot si Yahweh, “Lumusob kayo muli at bukas ng umaga'y pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanila.”
29 Ang mga Israelita'y naglagay ng mga kawal na nakakubli sa palibot ng Gibea.
Read full chapter