Font Size
Mga Hukom 21:14-16
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 21:14-16
Ang Biblia, 2001
14 Bumalik ang Benjamin nang panahong iyon, at kanilang ibinigay sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buháy sa mga babae ng Jabes-gilead. Gayunma'y hindi sila sapat para sa kanila.
15 At ang bayan ay naawa sa Benjamin, sapagkat ang Panginoon ay gumawa ng sira sa mga lipi ng Israel.
16 Nang magkagayo'y sinabi ng matatanda ng kapulungan, “Paano ang ating gagawing paghanap ng asawang babae para sa natitira, yamang wala ng nalalabing babae sa Benjamin?”
Read full chapter