Font Size
Mga Hukom 21:19-21
Ang Biblia, 2001
Mga Hukom 21:19-21
Ang Biblia, 2001
19 Kaya't kanilang sinabi, “Narito, may magaganap na taun-taong pagdiriwang sa Panginoon sa Shilo, na nasa hilaga ng Bethel, sa dakong silangan ng lansangan na paahon sa Shekem mula sa Bethel, at sa timog ng Lebona.”
20 At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin na sinasabi, “Kayo'y humayo at mag-abang sa mga ubasan.
21 At bantayan ninyo, kapag ang mga anak na babae sa Shilo ay lumabas upang sumayaw, lumabas kayo sa ubasan at kumuha ang bawat lalaki sa inyo ng kanyang asawa sa mga anak sa Shilo, at pumunta kayo sa lupain ng Benjamin.
Read full chapter